walang paligoy ligoy, totoy wag kang tumuloy
sa akalang mapayapang sapa'y merong kumunoy
kumakatok na paalala wag mong itataboy
hinding hindi ka hahayaang maglaro ng apoy
alam mo ba nung ako'y nasa iyong katayuan
sa lahat ng yan ako'y naging sunod sunuran
ultimo mga multo't aswang aking pinaniwalaan
nang magkaisip na ko'y bigla na lang pinabayaan
bahala ka sa buhay mo pag ikaw ay tumanda
pagkatapos busugin sa mga panakot at banta
pilit kang pinagawa ng mga hindi mahalaga
maaring niligaw ka ng inakalang pag-aaruga
pano kung mali ka sa kung saan ka nagmula
mahalaga pa nga ba kung saan ka papunta
aanhin mo ang ginto kung hindi ka masaya
magsisisi ka sa bagay na hindi mo ginawa
HOOK:
sariling pag-iisip ang iyong anting anting
aanhin ang kalayaan ng isang napapraning
maraming sabi sabing walang lunas mabaliw
hindi ito sakit, di kailangang gumaling (x2)
II.
happy birthday every year puta ang saya
pressured ka na ba dahil lang sa pagtanda
responsibilidad sa bawat dagdag mo ng edad
ayaw mong gawin, nagpapagod ka ng sagad
yung una mong halik, balikan mo lang ulit
Wag kang mangangambang masiraan ng bait
sulitin mong maigi anuman ang pagsusulit
pagiging inosente'y wasakin mong mabuti
dahan dahan lang, wag kang magmadali
wala namang masama sa mga nagpahuli
hulihin mo ang kiliti at ganun din ang ngiti
nang sa ligaya'y di mo kailangang humingi
sa balong malalim di kailangang humiling
maaring atraksyon na ang isang guni-guni
lahat ng bagay bagay ay may posibilidad
ikaw mismo mag disenyo ng iyong reyalidad
[repeat hook]
III.
wag kang matakot sa gawa gawang batas
wag magpapasakop sa pamantayan ng antas
Wag kang manonood ng pambobong palabas
wala namang anghel at wala ring satanas
you dont need to fit in para lang mag-exist
mawalan ka ng pake sa nais lang na mang-inis
di kailangang mag-adjust para lang sila i-please
kung ayaw mo sa tao wag kang magtitiis
magpaka-insane, huwag na silang i-entertain
hayaan mo silang magsireklamo everyday
iwasan mo coccaine, manatili kang organic
wag mag feeling wake pag ika'y nag-psychadelic
quiet lang sa gedli and enjoy watch them burn
welcome to the real world the place with no return
we all born to die kaya tangina ng standard
do what makes you happy ang mundo ay mental ward!
[repeat hook]
credits
from Personality in Disorder,
released March 31, 2019
beat produced by: Narf Oxic
mixed & mastered by: Jojie of Mandiemuzik
recorded at: 1i Gaming Studios 6900 (DIY)
This new EP from producer Fil Jackson will thrill fans of underground hip-hop with its dense atmospherics & a feature from rapper Lungs. Bandcamp New & Notable Nov 4, 2023