We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Mikroskopyo

from Personality in Disorder by AKT

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    Purchasable with gift card

      $1 USD  or more

     

about

Mikroskopyo

lyrics

MIKROSKOPYO

I.

kumusta na mga dapat di na kinukumusta
silang mga limot na ang pakikiisa
hindi na nakikibalita, etsapwera na pake nila
sino ka ang sistema, sino ako ang problema

ang biktima ay giyera, bangkay ang pumipila
hindi na umiidlip, hindi pa kumakain
wala na ngang pera andami pang inuuna
kaya sagot sa mga lait ay pagiging iyakin

taong palara, bumubulang bungangang palamura
palpak na kabataang gawa ng gurong tanga
artistang kilala, katawan lang ang tinitignan
musikerong sarili lang ang pinakikinggan

mga tulalang tulang nanatili na lang sa kwaderno
pinutol na puno para lamang sulatan ng bobo
mga uod na inuuod bangkay na may AIDS
pinaggigigibang bundok para gawing express way

manyakis na pari, mga nagkukunyari
ayaw umaming bading, nagbabakasakali
tumahimik ang adik, may nangangating puke
traydor na kumpare, sa ulo mo tumatae

ang biktima ay rape, hindi ang nagpakamatay
ang bayani ay praning kung ang martir umaaray
mga palamunin, silang mga pihikan
mga gilid gilid na laging iniihian

tambay nakahubad, nakangiting bungal
retarded, duwag, inulul na ng sugal
sira na ang buhay, wala ka pang bahay
iniwanan ng tatay, nagpuputang nanay

HOOK:

kumusta mga mikrobyo sa loob ng mikroskopyo
ang nilalait mo ay mismong kamukha mo (x4)

II.

anong balita sa hindi binabalita
mga di nakikita sa ututan ng dila
mga humahanga sa marvin at jolina
mga tuwang tuwa sa patok na takilya

sakit niyo sa kilay, masyadong makikay
hate na si kris, hate pa si binay
mula miyong to digong, ayaw mo sa kanila
kahit sinong umupo, nagrereklamo ka

tulong sa magsasaka, magtanim ka mag-isa
kung gusto mong kumain tumuka ka ng isda
alam na ngang siksikan sakay pa ng sakay
sabay reklamo sa umaga, anong problema mo bai

kagigising ko lang umiiyak ka na
pag-uwi hating gabi, ngumangawa ka pa
araw-araw galit sa mundo, pare what the hell
sa bawat diskusyon masyadong mapapel

sinungaling resume, nag-aapply pa ng work
and then when you pray gusto agad ng sagot
buraot na nga lang, demanding pa brad
andaming nanghihingi, namulubi na si god

nagpaparinigan dating magkakaibigan
nagpapa-inutilan silang nagpaplastikan
facebook timeline naging monggoloid commercial
andaming pinopost ng mga anti-social

nang-aaway ng normal sila daw ay elite
sabi puta edi wow that's legit!
mga forever living things nabubuhay sa inggit
mapa-conyo, iskawting may kanya kanyang sipit

panghila pababa, ayaw sa umaangat
hindi magtatrabaho kunwari nilalagnat
tamad na umasenso gusto pantay lang tayo
pagsindi ng damo isama pati kabayo (lahat na tayo)

credits

from Personality in Disorder, released March 31, 2019
beat produced by: Narf Oxic
mixed & mastered by: Jojie of Mandiemuzik
recorded at: 1i Gaming Studios 6600 (DIY)

license

all rights reserved

tags

about

AKT Philippines

AKT

one crazy wandering rapper

contact / help

Contact AKT

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like AKT, you may also like: