personang pinosas sa paglayas inaagaw
mabibigat na oras sa madadaling araw
gabi gabing kasiping lungkot na kaulayaw
laging pinapalalim poot na nasa babaw
halo halong takot at gawang kaba ginahasa
mga tanong sa pag-tataka lang nagnanasa
ginawang magpasagasa pero buhay pa rin
sarili'y binigti, ginawa na ring lunurin
tumalon sa building, pati na rin lasunin
naglaslas na ng leeg, ako'y buhay pa rin
aking kaluluwa'y nagawa na ring sunugin
humandusay sa tulay at ako'y buhay pa rin
aking paghinga'y pilit kong pinapatigil
sinasakal sarili, nilulunok na ang daliri
tanatapong buhay winawakasang paulit ulit
ngunit ako'y buhay pa rin, ako'y buhay pa rin
II.
kaibigan kaibigan wag ka munang bumitaw
wag mong pakikinggan ang mga sumisigaw
di pa takdang oras para ikaw ay lumitaw
bilang balitang ang landas ay naligaw
magsilabasang pamilyang tila nag-artista
kakapatulo, kakapunas ng mga panggap na luha
san sila nanggaling yun ang di ko makuha
bakit wala sila nung kailangan mo kausap
ang hahaba ng litanya sila'y nagluluksa
tila patalastas lang ang iyong pagkawala
pagkatapos malibing, balik ulit sa dati
back to normal na parang walang nangyari
hindi ka kawalan para eksena ay baguhin
mundo'y entabladong lahat lamang panauhin
at kung buhay mo ang nais mong papanoorin
ito'y isang palabas na 'di ko kayang tapusin
III.
ito'y tulang maaring hindi na gawa gawa
pwedeng mangyaring ito'y katha ng pagngawa
para lang amining ubos na kanyang saya
pwede ring sabihing ito'y gimik lang pala
patiwakal na imaheng nais magpapansin
anuman ang totoo'y hinding hindi ako aamin
walang pakialam sa mga bakasakali
di ko sasabihing 'save me, i'm dying!'
di ko kailangan ng tulong, di ako sinungaling
sa panloloko ng iba lang ako nahumaling
ekspertong magkunwaring lahat ay ayos lang
ito'y parte ng album para matapos lang
di ako nagbibiro, sa'kin ka ba maniniwala
masarap mabuhay oo, huwag mo ng ipaalala
lilitaw din ang sagot, wag kang atat alamin
ito'y kathang isip lamang kung ako'y buhay pa rin
credits
from Personality in Disorder,
released March 31, 2019
beat produced by: Narf Oxic
mixed & mastered by: Jojie of Mandiemuzik
recorded at: 1i Gaming Studios 6900 (DIY)
This new EP from producer Fil Jackson will thrill fans of underground hip-hop with its dense atmospherics & a feature from rapper Lungs. Bandcamp New & Notable Nov 4, 2023