We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Taong Grasa

from Personality in Disorder by AKT

/
  • Streaming + Download

    Includes unlimited streaming via the free Bandcamp app, plus high-quality download in MP3, FLAC and more.
    Purchasable with gift card

      $1 USD  or more

     

about

Taong Grasa

lyrics

TAONG GRASA

HOOK:

ayokong maging kayo, maging kayo!

I.

masukal na mukha, itsura ng pabaya
iniiwasan nila, sakin ano bang masama
wag na magtaka, ako daw ang tanga
nakakatawa, lahat nadidismaya

isipin mo nga, sa'ting dalawa
sino ba talaga tunay na nakawala
sa sistema, kumaga't ka't natuwa
sumamba sa pera at ako nasuka, napabuga

ng makita kong malinaw pinagkakakitaang pumapanaw
mga posisyon na lahat umaagaw habang kalayaan nilalangaw
sa tabi ng basurahan, walang pakialam
di na ramdam, tiyan na kumakalam

pag kumatok ang gutom, kakain nalawayan
dto ang pagkain hindi pinag-aawayan
panay pihikan, sikmura'y puro arte
mga namimili pa ng itatae

di makalamon, pag marumi ang kamay
mapanlait pero takot mamatay
ayaw mahusgahan kaya nagpatangay
tingin ko sa inyo? kayo'y humihingang patay!

[repeat hook]

II.

inaapi mga may mababang salapi
nagkakasakit kumakayod umaga't gabi
nagtatabi ng pambili, mcdo at jollibee
nakangiti sa happy meal, oops wowowwee!

idolatry, baliw na baliw
kay ate guy pati kay ate v
mundo'y kinain na ng technology
tignan ang paligid wala ng trees

how do i breathe? ang panghi
oops mali ako'y walang pake
sa dami ng inyong discovery
still utak niyo can't set you free

mga tanga nakakulong sa social media
always searchin sa wikipedia
pero sarili'y hindi makita
kailangan pa ng kokopyahang artista

tutok sa telebisyon, taong de kahon
utak niyo'y kontrolado na ngayon
manipulasyon buong populasyon
sumasamba sa libo libong panginoon

nagpapatayan, di magkaintindihan
yan ba talaga normal na kaisipan
kailangang magbayad ng sapilitan
afford that shit, para tanggap ng lipunan

fuck that! ayokong maging kayo!!

OUTRO:

tulog ang langit para sa panalangin
o baka para sa'kin ito'y pangitain
na ang pag-ibig at di nagpapakain
at ang nagbibigay siyang papalarin

maaaring, ako'y lusaw na nga
habang nagpapakadugong bughaw ka pa
parte na ko ng kalsada, ganap ng malaya
sa kamay ng masasama, sino pang magtatangka

humawak sakin at manghingi ng barya
kung hihingan ako ng buwis malamang tanga ka
ba't ka magtatangka, tanungin kung ba't ako nagkaganito
bakit? masaya ka ba? sa kababayad ng kung anu ano

tubig, kuryente, bahay na hindi naman sa'yo
sinisingil ka ultimo sa mga tulog mo
kakaisip sumabay sa uso, bugbog na utak mo
pati katawan, kakatrabaho

kakaipon ng sweldo, kagustuhang umasenso
di ka na nakukuntento, tumangkilik ng lahat
lahat ng naiimbento, nanatiling bulag
sa makamundong proseso, sa reyalidad ng tao nanatili ng preso

di ka ba nangangawit kakatingala?
sa mga artistang hindi ka naman kilala
salot ba tingin niyo sakin? anunaman yung nakaupo
reklamo kayo ng reklamo ayaw niyo namang magsitayo

di ko naman sinasabing kailangan niyong magkaganito
pinapamukha ko sa inyong kayo'y magpaka-kayo
wag niyong hayaang mawala pa ito
bago niyo pagsigawang ito'y mahal niyo!

tandaan ang paalalang ito, mula sa sinasabi niyong baliw
nilimot na ng daigdig, pinandidirian niyo, eew!
tinakwil na kapatid, sige kayo na ang malinis
kayo na ang tama na nag sasabing meron akong tama

kayo na ang nakakaunawa, kayong mga tumatawa
sana di kayo lamunin ng inyong pamomroblema
kasi baka bukas makalawa, tayo nanamang muli magkasama
tayo nanaman ang magkasama, bilang taong grasa!

ayoko maging kayo

credits

from Personality in Disorder, released March 31, 2019
beat produced by: Narf Oxic
mixed & mastered by: Jojie of Mandiemuzik
recorded at: 1i Gaming Studios 6900 (DIY)

license

all rights reserved

tags

about

AKT Philippines

AKT

one crazy wandering rapper

contact / help

Contact AKT

Streaming and
Download help

Report this track or account

If you like AKT, you may also like: